Thursday, November 10, 2011

Sweet Indulgence

Hay naku, nasuper stress ako sa kaliwa't kanan na assessments at panel interviews nitong mga nakaraang araw. Nagpapatayan kaming mga sampung nilalang para lang sa isang posisyon. Kung di lang dahil sa dagdag na kadatungan ay hindi ko papahirapan ang munti kong isipan at papaduguin ang ilong ko sa promotion na ito.


Pero keri lang teh! kinaya naman ng beauty at powers ko! Mas lamang naman ako ng maraming paligo at suklay sa mga pana (indians) na kajamming ko sa paligsahang ito. (Sana pabanguhan na lang ang labanan :D)


At dahil feeling ko inexploit ko ng husto ang katawang lupa ko, kailangan itreat ko ang sarili ko.


At dahil Starbucks lang ang pinakamalapit na tindahan malapit sa bus stop bago ako umuwi ay wala akong nagawa kundi ubusin ang natitirang anda sa aking pitaka para sa mala-gintong pastries dito.


Pero di naman ako nagsisi, bumili ako ng Chocolate Loving Cake sa presyong 20 dirhams isang slice (234 pesos lang naman -- sapat na para makabili ng isang buong chocolate roll sa Goldilocks o Red Ribbon para sa 5-6 katao!) at hindi naman ako nagkamali dahil napawi lahat ang stress sa katawan ko. Parang nawala ako sa ulirat sa bawat subo ng cake na ito! Charing!hehehe. 


Dahil sa sobrang nagtimawa ako sa cake na ito sa sarap eh naubos ko ng di man lang nakukuhanan muna ng litrato. Pero I tried so hard to check kay Google kung may natago syang photo ng sumptuous cake na ito para lang takamin ang mga readers. at eto cya -- moist, chocolatey, and mouth watering:


Sarap to the max, sagad hanggang buto ang pagnamnam ko sa chocolate filling nito na parang ice cream -- tinalo pa ang M&M sa pagmelt sa mouth ko.hehehe.


Dapat lang na masarap ito dahil ang presyo naman day eh katumbas na ng isang kilong baboy na pwedeng mapakain ang isang pamilya!


Sabi ko sa sarili ko: "Ineng, huwag ma-addict dito, hindi lang masakit sa bulsa kundi sisiksik pa ang blusa!"


Minsan lang naman ito, pagbigyan na ang katawang lupa sa ganitong mga indulgence. :)

Monday, November 7, 2011

Dubai Airports Flash Mob


Just wanna share the above video taken at my workplace in Dubai International Airport.

Sayang wala ako dun sayaw na sayaw pa naman ako! I should have joined them!hahahaha!

Tag-Ulan sa Disyerto

Yipeeeeee! Tag-ulan in the desert na!hehehe. Just lovin' the weather outside -- makulimlim, malamig na simoy ng hangin, at music to the ear na patak ng ulan.


Mapapa-singing in the rain na naman ako nito :)


Super nakakamiss ang patak ng ulan sa bubong ng bahay kapag ang nakapaligid sa iyo ay disyerto. Goodbye pawis, goodbye humidity at hello jackets and payong! :D


Kaso ang problema dito, konting ulan lang baha na kagad sa kalsada. Just like in the airport kanina, isang bagsak ng ulan, ayun nagmistulang dagat ang kahabaan ng runway!hehehe.




Pero keri lang to! Mas gugustuhin ko nang makatabi sa bus ang basang mama dahil sa ulan at hindi dahil sa pawis. Saka it's high time para sa mga maaantang tao dito na makapaligo na rin ng libre ang tubig at malabhan ang mga damit na isang buwan ata bago nila palitan! hehehe.

Saturday, November 5, 2011

Kurdapya


Gumigiling na naman si Kurdapya
Sa saliw ng La Cucuracha
Mga kalalakihan abot tenga ang ngiti
Kapwa kababaihan sambit "Kay Kiri!"
Alindog ni Kurdapya, oh anong saya
Kay sarap titigan malalamyang mata
Ang kanyang haplos parang kuryente
Nawawala ang kabog ng mga natuturete.
Si Kurdapya talagang pantasya ng bayan
Lahat gustong maangkin kanyang katawan
Ngunit hindi batid ng nakakarami
Si Kurdapya pala ay dating LALAKI!

Thursday, November 3, 2011

My Travel Plan 2012 - Part 1

Being in the airline industry, it is our privilege to travel to a lot of places either for free or with a big discount (50 or 90%). 

Almost all of us have used and abused this benefit already.....except for me. (*sad face with teary eyes*)

I am using my annual leave ticket but the discounted tickets to travel all around the world -- naaah!

Sabi ng nanayko "be wise in spending your money. Invest, invest, invest!" At dahil ako ay masunuring bata (kahit pasaway at maldita most of the time), I spent the past 3 years in putting my money in real estate. Sa awa ng Diyos, natapos na rin ako sa paghulog ng 2 lote ng lupa. :)

Pero cyemps hindi mawawala sa akin ang mangarap na maikot ang mundo at mangolekta ng iba't ibang keychains, fridge magnets, at Starbucks mugs (pwede na rin ng fafa!) sa iba't ibang sulok ng daigdig.

I have visited some places already like Iran, Hongkong, Malaysia, Singapore, at syempre ang mga emirati ng UAE. But I still wanted to visit other cities. 

I've made a list of all the cities na tatargetin ko, hopefully by next year:

1) Amsterdam 
Gusto kong bisitahin ang Sex Museum :D


In the very, very near future, mauupuan din kita:
At op kors, isang dadayuhin ko sa AMS ay ang mouth watering space cake. Peace,men!

2) Germany
Matapos sa Amsterdam, magtetrain ako papunta ng Germany para lumagok ng sandamakmak na beer sabay pa-beauty na rin with beer spa. Drink all you can itech mga repapips!

3) Paris, France
Huling destinasyon sa aking Schengen trip ay ang romantikong Paris. Subukan ko kung umepekto ang beer spa at habulin na ako ng mga les hommes sa Eiffel Tower.

4) California
Gusto kong itry talaga ang mga rides sa Six Flags Magic Mountain sa US. 
Tignan ko lang kung hindi ako maihi sa super excitement at takot nito. For sure this will be a memorable experience talaga hehehe.

Double purpose na rin ang pagpunta ko sa Cali. Pagkagaling sa Six Flags, ipunin ko ang aking suka then punta ako sa West Covina, itapon ko sa pinto ng bahay ng ex ko. bwahahaha!

5) Japan
Gusto kong magpapicture kay Kimura Takuya at kay Doraemon.

Tapos itatapat ko ng Abril ang pagpunta para masaksihan ko ang Kanamara Matsuri Festival nila.
Buti na lang free ang Japan tourist visa dito sa amin kaya pede akong magparticipate sa festival na ito taon-taon. nyahaha!

Tutal andun na rin naman ako, makikipag-eyeball na rin ako sa japenggong sakang na half pinoy na ka-chat ko.hehehe!

Eto munang lima na ito ang targetin ko kasi masakit sa bulsa kung dadamihan ko pa. 

Hanggang sa muling pangangarap natin! Abangan ang mga susunod na kabanata. :D

Wednesday, November 2, 2011

Reminiscing Unibersidad ng Pilipinas Days

1. WHAT WAS YOUR STUDENT NUMBER?
9*-14744

2. WHAT WAS YOUR FIRST CHOICE OF COURSE?
Sociology kasi it sounded interesting and unexplored

3. WHAT WAS YOUR 2ND CHOICE OF COURSE?
Biology yata or Chemistry. Basta science related course.

4. DID U PASS UPCAT, WAITLIST, OR TRANSFEREE?
Of course I passed UPCAT!gifted child yta to!hehehehe.

5. HOW DID YOU KNOW THAT YOU PASSED UPCAT?
nakapost sa bulletin board sa school namin. diba taray!hehehe.

6. WHAT IS THE COURSE THAT YOU FINISHED?
BA Sociology. un MA Socio ko thesis na lang kaso tagal ko na nagstop kc i chose FAFA over CAREER! =)

7. DID YOU TRIED SHIFTING?
I planned to shift to CHEM kaso nung nalaman ko maraming paperworks tinamad na ako kc ang lalayo ng mga buildings sa UP kakapagod!wag na lang!although i was very much qualified to shift at that time ha.

8. HAVE YOU BEEN IN A BLOCK SECTION?
Yup!Enjoyed the first 2 sems of being in a block section.

9. DID YOU TRY LIVING IN ONE OF THE UP DORMS?
Not during my college days. I tried the dorm for law and MA students nung nagtuturo na ako.I forgot the name already e (memory gap na!hehehe). Basta sa likod ng Chapel. Just stayed there for 1 sem. D ko kaya ng walang YAYA!weheheheheh!

10. WERE YOU ABLE TO GET A GRADE OF 1.0?
Op kors!!!Napuno nga TOR ko ng uno!hahahahaha!

11. DO YOU HAVE ANY 3.0 or 5.0?
None!my lowest was 2.5 only. may takot ako sa parents ko e.

12. WERE YOU ALWAYS SKIPPING CLASSES?
Most of the time I maximized ung 6 absences allowed per class. But if there is a .25 bonus sa grade kapag perfect attendance, cyempre NIL absence ang lola nyo!

13. WHAT IS YOUR FAVORITE PLACE IN UP?
Ung faculty room ko kasi that was d only place where u can concentrate a lot...and SLEEP!hehehe. Solo ko lagi.yoko kasi ng mataong lugar e almost all corners of UP may makikita kang tao e!

14. WERE YOU WALKING FROM ONE BUILDING TO ANOTHER WHEN CHANGING CLASSES?
Yup, coz minsan mas mabilis pa maglakad kesa sumakay ng IKOT at TOKI.dahil sa UP lumaki ang binti ko!

15. DID YOU DREAM OF BEING A CUM LAUDE?
Why dreamt of being cum laude when i got already magna cum laude!yabang!hehehehe.

16. WHERE DO YOU USUALLY EAT IN UP?
CASAA - kapag nagmamadali at tamad maglakad
BEACH HOUSE -kapag chika-mode w/ friends
CHOCOLATE KISS - kapag nagmamaganda at nagpapakasosyal
MANG JIMMY's - kapag nagpapakasiba
SHOPPING CENTER - kapag nagpapaphotocopy ng sandamakmak na readings

17. WHAT WAS YOUR FAVORITE STREET FOOD IN UP?
Mainit na monay w/ cheese
Fishballs
Corn w/ butter and cheese powder

18. HAVE YOU WATCHED THE OBLATION RUN?
Naka-mark na yan sa calendar ko every year nun!hehehe.

19. FAVE SUBJECT:
Social Psych, Deviant Behavior, all subjects taught by Sir Gerry Lanuza, Foreign Languages

20. WORST SUBJECT:
MATH 11, STS

21. FAVE PROF:
Sir Gerry Lanuza
Mam Jo Dionisio
Prof Laura Samson


22. WORST PROF
Prof Valencia (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa)
Ung math 11 instructor namin hindi ko na matandaan name nya. but he was kicked out of UP already. super gago talaga kasi pinagtripan ang block namin at he was accused also of sexual harassment i think.

23. HOW MUCH WAS YOUR DAILY ALLOWANCE?
My parents used to give me 150 pesos when I was in 1st year then nagincrease hnggang 200pesos nung 4th year.kasi naman i used to commute - bulacan-diliman-bulacan

24. WHERE DO USUALLY MAKE 'TAMBAY' IN UP?
Wala ako org not until my 4th year so most of d tym sa main lib kmi not to study but to sleep at magtsismisan!hehehe.Saka I dont make tambay in UP, I preferred being in SM North!

25. HAVE YOU TRIED BEING TREATED IN UP INFIRMARY?
I've been in UP Infirmary twice not to be treated but for medical checkup - 1st one for freshman enrollment and 2nd one when i was hired as a faculty

26. DID YOU TRY BEING ROMANTICALLY INVOLVED WITH SOMEONE ELSE IN UP?
Nope. Mga weird ang guys sa UP e!PEACE!hehehe.Saka gusto ko nman mapahinga utak ko while w/ someone else and not having intellectual conversations/debates even while relaxing noh!

27.CAN YOU STILL RECALL ALL YOUR PE CLASSES?
1st year 1st sem - PING PONG (lumaban pa ako sa interblock competition)
1st year 2nd sem - BADMINTON yta (I swear hindi ko matandaan!!!!kasi alam ko hindi kami minimeet ng prof nun e)
2nd year 1st sem - AUSSIE SPORTS (i loved this kc xchngd students from Australia ang mga instructors!)
2nd year 2nd sem - PHILIPPINE GAMES (nagpakamakabayan naman ako after trying foreign sports!)

28. DID YOU HAVE ANY DIFFICULTY ENLISTING IN ALL YOUR NEEDED SUBJECTS DURING ENROLMENT?
Hay kainis ang mga mahahabang pila tapos pagdating mo sa harap e close na ang lahat ng slots ha!Eniweys I did not have lots of bad experience while enlisting. Pumipila lang nga talaga ako ng mahaba at tumatagaktak ang pawis patakbo sa susunod na room!Nahirapan lang ako sa STS nun ska sa isang PE class ko pero other than that it was ok kasi well planned ang lahat! at sabi nga mga friends ko SWERTE AKO!hehehe.

29. WHAT WAS YOUR USUAL SCHEDULE IN COLLEGE?
I was a morning person before and I wanted to get home early so sinisiksik ko lhat ng subj ko sa umaga. Most of the time 0700- 1300 lng ang sked ko. Pinakalate na ang 1600pm kapag no choice talaga. Nung nag- MA lang ako nagkaroon ng class until 2000pm.

30. WHAT ARE YOUR ORGS IN UP?
Sabi ko nga gusto ko lagi umuuwi ng maaga kasi layo house ko so d ako sumasali sa org coz they'll keep u in UP until the wee hours! UP PRAXIS lng org ko. one of the founding members kasi kaya wla masyado demands sa tym!hehehe.

31. HAVE YOU TRIED PARTICIPATING IN ONE OF THE STUDENT RALLIES ORGANIZED BY UP?
Nope. Ayaw ng parents ko. kaya kapag dineclare na no class bcoz they wanted us to participate in d rally e sa SM North ako tumatambay or go home na lang.

32. HAVE YOU BEEN/SEEN ANY FRAT WARS?
Sa labas ng Main Lib madalas ang frat wars. kakatakot minsan.

33. HAVE YOU TRIED STAYING IN SUNKEN GARDEN?
Yup! I remembered the days with Tin, Vids, Tess and Kaye while mega emote hbang nakaupo sa gilid ng sunken!

34. WHAT DO YOU MISS MOST ABOUT UP COLLEGE DAYS?
Sleepless nights while doing research papers, sleepovers with friends doing projets (mas maraming tym sa gala kesa sa paggawa ng projects!hehehe)

35. WHAT DO YOU THINK IS THE SIGNATORY OF BEING A UP STUDENT?
Palaban kapag naaapi!and most of all BEAUTY and BRAINS like me!wag aangal!hehehehe.

Good Ol' Funwich Days

I miss eating my fave ice cream during my childhood days -- no other than the FUNWICH! For some of you who are not familiar with this ice cream, Funwich is an ice cream sandwiched between two round shaped chocolate flavored biscuits. It was manufactured by Presto in the early 90s. I remember it had 2 flavors before -- chocolate and vanilla ice cream.


I was so addicted to this that I always skip recess to save money and buy funwich before going home. I even asked for "baon" from my classmates in order not to spend my money for lunch! hahaha.

I wonder why Presto stopped manufacturing this ice cream and why the other ice cream manufacturers in our country create their own version of Funwich. It would be a great hit for sure as there are lots of us out here craving for that mouth-watering round ice cream sandwich.

I became nostalgic about this Funwich because it has a resemblance to the famous ice cream in Singapore that we just had recently. My mom calls it "rectangle ice cream" because of its shape. My siblings and I had fun trying the different flavors of SG's version of their ice cream sandwich.



This is also SG's version of our dirty ice cream. Instead of the traditional cones, they use wafers. Other than the big block of ice cream, I would still prefer our own ice cream pandesal over SG's ice cream wafer. :)

Oh, I miss Pinas and of course the street foods everywhere! And cyemps, I miss Funwich! hehehe.

Sirkel of Prends

Dahil ako ay bagot sa aking 4 days off, wala akong magawa kaya ako ay lumikha ng mga tulang puro ka-echosan ang laman. hehehe.


Sirkel of Prends (by Ms. Maja Lai - ang aking pseudonym kapag umaariba ang aking luntiang isipan!hahaha)


Miss Maja Lai ang pangalan niya
Sa Pasay siya madalas rumampa
Kaibigang matalik ni Tina Moran
Na laging tumatambay sa may kangkungan.

Minsan napadpad sa Kanto Tinio
Itong si Tso Paeng na bigotilyo
Makikipag aybol sa isang dalaga
Iniintay pagdating ni Binibini Rocha.

Eto namang si Kissa Mayas
Mahilig sa ibang lahing karakas
Inadd sa peysbuk si Puck Kindall
Isang puting pinakahihintay ng matagal!

Turing ni Ben Dover ay kakosa
Kay Jack Hall na isang soloista
Paborito nilang gawin sa umagahan
Kumain ng itlog, salsa lang sawsawan.

Bob Ong - Dr. Love ng Milenya!

Muli, sa aking pagbabasa, natagpuan ko na naman ang isang ka-chenesan mula kay Bob Ong. 


I am not a fan of Bob Ong but I find some of his writings funny. Yung iba nakakatawa at yung iba naman sa sobrang kakesohan ay nakakapanindig balahibo!hehehe.


Anyways, just wanna share with the Bob Ong fanatics out there a mail from our Dr.Love:



Dear Mr. Bob Ong ,

Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya , tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?

In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?

Lubos na gumagalang ,
-MATT -




- ANG REPLY -

Dear MATT ,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon , lahat ng bagay , nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina , nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin , nagtaas na ang pamasahe , at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay , hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?

Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo , daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin , iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto , bibigyan kita ng mga simple , tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to , tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase , bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat , incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket , magshades , at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom , iabot mo yung box sa teacher , at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day , pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo , iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8 , sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos , sa bawat hanger , isulat mo: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses , kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo , sabihin mo , “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream , sabihin mo , “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod , isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao , hindi tayo hayop , hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod , isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya , sabihin mo: “Ako yung freebie , at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”

11. 
Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo , kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay , padalhan siya ng isang box ng posporo , Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin , "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay , match na tayo"

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo , pasalubungan sya ng "salbabida" , wag payong , o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate , dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit , ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”

Handang tumulong lagi ,

-Bob Ong-

Tuesday, November 1, 2011

Men and their "Brilliant" Minds :)

Just wanna share a mail that I read earlier regarding men and their so-called "brilliant" minds. Men are known to be jack-of-all-trades and these pics seem to prove how innovative they can be! LOL!

*No spoons? I hope this would satisfy your hunger!

Wanna pimp your ride??

Afraid to get lost? Be up-to-date with the latest GPS technology!

Party, party! How to keep the booze cold all night long!

Talking about resourcefulness, another brilliant idea on having a hot drink on a cold night!

Wanna save money? Instead of diapers, use this:


Men will be men! :D

Tawa much lang mga repapips and marekits! :)



-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Advertise to over 10 million users

Promote to over 10 million individuals across the globe.

We promote your business in international network of partners webpages, each with own narrow points of interests.
Our company gives you innovative promotion strategies that makes your business profitable on the Internet.
We will provide you with real and visible results and take your web-site to the next level.
Promote to Over 10 Million individuals Now...

Increase search engine rankings

Increase your web-site search engine rank

Be presented on search engines is one of the most important ways to increase website traffic and show your product or service to individuals that might be looking for your product.
Most of the big search engines utilize a software to calculate your web-site ranks.
Search engines know the number of web-sites are referring to your website; more links and hits better rank for your website.
Get Better Rank...

Get More Shoppers

Get More Shoppers, Get More Revenue!!!

With no day-to-day current of visitors you cannot have stable around the clock income.
You cannot get income if no one visits your web-site. You need visitors to see your products, every day, 24 hours!
Our company helps more than 30,000 customers get more customers online.
You will increase your revenue by receiving thousands of real targeted visitors to see your products.
More Shoppers...

Sa Kusina ni Aling Kuracha - Chili Chicken

Since I needed food to think, I dashed right away in my little nook and tried to prepare my own version of Chili Chicken. I so wanted to eat in BonChon to taste their famous Korean style chicken wings but the place is inaccessible. So I just decided to experiment and make use of whatever ingredients I have in my fridge.

If you wanna try the home made version of chili chicken, you can check below:

Warning: I don't use measuring cups or tablespoons because I am a master of my own "tantyahan" method! hehehe!

Ingredients:

1 whole chicken, chopped in desirable size
cornstarch or all purpose flour
barbecue powder (I used the one I bought from SM Hypermarket)
cooking oil
chili powder
salt to taste
soy sauce
vinegar
catsup (hot flavor)
garlic
water
sugar

Procedures:
1) Chop the chicken into desired sizes, wash then let them dry for a few minutes.
2) Heat the cooking oil in the pan. While waiting for the oil to get hot, prepare the chicken coating. Mix together the all purpose flour/cornstarch, barbecue powder, chili powder, and salt.
3) Coat each of the chicken pieces and deep fry.
4) Set aside the fried chicken and heat another pan. Saute the chopped garlic until brown. Add water, catsup, soy sauce, vinegar, sugar and put into boil.
5) Get the coating leftover and dissolve in cold water. Add to the boiling mixture and stir until the sauce becomes thick.
6) Put the fried chicken into the sauce. Make sure that every piece is covered with the sauce.

Voila! You'll have a very simple dish yet a very delectable one. Hindi ka lang mapapafinger-licking good kundi mapapa-sarap to the bones pa! :)


More recipes to come straight from the Kusina ni Aling Kuracha. :D

Parteeey in Cemetery!

Bakit kaya wala akong maka-chat sa Pinas?! Opkors, they are all parteyying in the cemetery! hehehe.


Honga naman, grand reunion na naman ito dahil Nov01 na. Ang mga kawawang kaluluwa na naga-rest in peace na for so long ay muli na namang nabulabog ng dumadagundong na sound system, hagakhakan ng mga gurang, kantyawan ng mga lasing, sigawan ng mga gremlins na bata, at harutan ng mga makikiring magsyota. 


Haaay buti na lang hindi bumabangon sa hukay ang mga deads at pagkukurutin kayo sa singit! 


Anyways, I don't wanna be a party pooper. Sige lang, enjoy life at hindi magtatagal isa na rin kayo sa mga bubulabugin namin sa sementeryo. Bwahahahaha! 


Before I forgot, I just wanna pay my salute and respect sa aking pinakamamahal na lalaki.




Saludo ako sa iyo aming ama! :)

Back in Blogging!

At last, I'm back!!! It's been 3 years already since I started (and stopped!hehehe) my own blog. I miss writing so much. Too bad I can't retrieve anymore my old blog so I have to start all over again :(


Anyways, Kuracha is back -- and this time more delectable treats for your eyes (parang pagkain lang ang dating!hehehe).


At dahil sa tagal ko nang hindi nakakapagsulat, asahan ang umaatikabo at umuusok sa kaechosang mga topics in the near future! :D