Being in the airline industry, it is our privilege to travel to a lot of places either for free or with a big discount (50 or 90%).
Almost all of us have used and abused this benefit already.....except for me. (*sad face with teary eyes*)
I am using my annual leave ticket but the discounted tickets to travel all around the world -- naaah!
Sabi ng nanayko "be wise in spending your money. Invest, invest, invest!" At dahil ako ay masunuring bata (kahit pasaway at maldita most of the time), I spent the past 3 years in putting my money in real estate. Sa awa ng Diyos, natapos na rin ako sa paghulog ng 2 lote ng lupa. :)
Pero cyemps hindi mawawala sa akin ang mangarap na maikot ang mundo at mangolekta ng iba't ibang keychains, fridge magnets, at Starbucks mugs (pwede na rin ng fafa!) sa iba't ibang sulok ng daigdig.
I have visited some places already like Iran, Hongkong, Malaysia, Singapore, at syempre ang mga emirati ng UAE. But I still wanted to visit other cities.
I've made a list of all the cities na tatargetin ko, hopefully by next year:
1) Amsterdam
Gusto kong bisitahin ang Sex Museum :D
In the very, very near future, mauupuan din kita:
At op kors, isang dadayuhin ko sa AMS ay ang mouth watering space cake. Peace,men!
2) Germany
Matapos sa Amsterdam, magtetrain ako papunta ng Germany para lumagok ng sandamakmak na beer sabay pa-beauty na rin with beer spa. Drink all you can itech mga repapips!
3) Paris, France
Huling destinasyon sa aking Schengen trip ay ang romantikong Paris. Subukan ko kung umepekto ang beer spa at habulin na ako ng mga les hommes sa Eiffel Tower.
4) California
Gusto kong itry talaga ang mga rides sa Six Flags Magic Mountain sa US.
Tignan ko lang kung hindi ako maihi sa super excitement at takot nito. For sure this will be a memorable experience talaga hehehe.
Double purpose na rin ang pagpunta ko sa Cali. Pagkagaling sa Six Flags, ipunin ko ang aking suka then punta ako sa West Covina, itapon ko sa pinto ng bahay ng ex ko. bwahahaha!
5) Japan
Gusto kong magpapicture kay Kimura Takuya at kay Doraemon.
Tapos itatapat ko ng Abril ang pagpunta para masaksihan ko ang Kanamara Matsuri Festival nila.
Buti na lang free ang Japan tourist visa dito sa amin kaya pede akong magparticipate sa festival na ito taon-taon. nyahaha!
Tutal andun na rin naman ako, makikipag-eyeball na rin ako sa japenggong sakang na half pinoy na ka-chat ko.hehehe!
Eto munang lima na ito ang targetin ko kasi masakit sa bulsa kung dadamihan ko pa.
Hanggang sa muling pangangarap natin! Abangan ang mga susunod na kabanata. :D
oi ang daming titi!
ReplyDeleteenlarged mushrooms lang po yan! nyahahaha!
ReplyDelete