Hay naku, nasuper stress ako sa kaliwa't kanan na assessments at panel interviews nitong mga nakaraang araw. Nagpapatayan kaming mga sampung nilalang para lang sa isang posisyon. Kung di lang dahil sa dagdag na kadatungan ay hindi ko papahirapan ang munti kong isipan at papaduguin ang ilong ko sa promotion na ito.
Pero keri lang teh! kinaya naman ng beauty at powers ko! Mas lamang naman ako ng maraming paligo at suklay sa mga pana (indians) na kajamming ko sa paligsahang ito. (Sana pabanguhan na lang ang labanan :D)
At dahil feeling ko inexploit ko ng husto ang katawang lupa ko, kailangan itreat ko ang sarili ko.
At dahil Starbucks lang ang pinakamalapit na tindahan malapit sa bus stop bago ako umuwi ay wala akong nagawa kundi ubusin ang natitirang anda sa aking pitaka para sa mala-gintong pastries dito.
Pero di naman ako nagsisi, bumili ako ng Chocolate Loving Cake sa presyong 20 dirhams isang slice (234 pesos lang naman -- sapat na para makabili ng isang buong chocolate roll sa Goldilocks o Red Ribbon para sa 5-6 katao!) at hindi naman ako nagkamali dahil napawi lahat ang stress sa katawan ko. Parang nawala ako sa ulirat sa bawat subo ng cake na ito! Charing!hehehe.
Dahil sa sobrang nagtimawa ako sa cake na ito sa sarap eh naubos ko ng di man lang nakukuhanan muna ng litrato. Pero I tried so hard to check kay Google kung may natago syang photo ng sumptuous cake na ito para lang takamin ang mga readers. at eto cya -- moist, chocolatey, and mouth watering:
Sarap to the max, sagad hanggang buto ang pagnamnam ko sa chocolate filling nito na parang ice cream -- tinalo pa ang M&M sa pagmelt sa mouth ko.hehehe.
Dapat lang na masarap ito dahil ang presyo naman day eh katumbas na ng isang kilong baboy na pwedeng mapakain ang isang pamilya!
Sabi ko sa sarili ko: "Ineng, huwag ma-addict dito, hindi lang masakit sa bulsa kundi sisiksik pa ang blusa!"
Minsan lang naman ito, pagbigyan na ang katawang lupa sa ganitong mga indulgence. :)

natawa naman ako dun sa "hindi lang masakit sa bulsa kundi sisiksik pa ang blusa!"
ReplyDeletepero minsan talaga kailangan itreat ang sarili bilang pabuya. :D
tama si sir Artiemous, treat natin ang ating sarili kapag meron tayo maganda ginawa. :)
ReplyDeletenakikiraan lang... :)
Sarap ng cake, tama kung sobra na sa stress gawa ng paraan para ma alis ang stress.
ReplyDelete